Pasko at Bagong Taon
Katatapos lng ng pasko, magbabagong taon na naman.
Pang-ilang Bagong Taon ko na ba to na wala sa bahay na kinagisnan ko? pang-apat na ata kung hindi ako nagkakamali. Una, noong nasa first job ko… 1998. Ayaw kong umuwi kasi 3 months pa lng ako sa pinapasukan ko at hindi pa ako regular… kaya sacrifice muna.
Pangalawa, 2005. Sa nilipatan kong kumpanya. Ganun din ang dahilan. First Christmas, sacrifice muna. priority na mag leave yung mga senior. Pangatlong taon, iba na ang dahilan. mahal na ang ticket. Hindi naman actually ganun ka kamahalan kung gusto mo talaga. Kasi pagdating ng pasko at bagong taon, hindi rin matatawaran yung nawawalang saya ng bagong taon.
Hindi ganun kasaya dito. Sa probinsiya, January 1 tahimik ang kalye at lahat tulog hehehe… pano ba naman buong January 31 hanggang madaling araw ng January 1, buhay na buhay ang mga magkakapitbahay sa batian at yakapan. Pagsapit ng hating gabi, pagandahan at palakasan ng fireworks… pakapalan na rin ng usok ng mga paputok. pag di kita ang bahay niyo dahil sa usok, mas maganda.
Kinaumagahan, padamihan ng kalat ng rebentador. Meron na ring namumulot na mga bata para i-modify yung paputok… either paputukin ulit o sisindihan na lng ang pulbura.
Masagana sa handa. Tipong walang naghihirap basta bagong taon. Kahit saan ka bumisita, kailangan mong kumain kahit busog ka na galing sa inyo.
Masaya ang Pasko at Bagong Taon sa probinsiya. Dito maganda ang fire works… Umaabot ng 20min… o e ano naman.. .20min lng din na kasiyahan… after that, wala na.
Sana next year makauwi na kami.
December 29th, 2007 at 6:42 pm
Yeah right.
Sana makauwi na tayo.
Happy New Year!
January 16th, 2009 at 4:37 am
hellow