word play
mayabang daw ako hahaha… gusto ko sabihing hindi… pero di mo naman kasi nakikita kung nag-aasal yabang ka na e, kaya ok lng… observation well taken hehehe… pero teka, pabawi… HUMBLE ako no… (wahehe.. nagyabang pa din)
mataas daw tingin ko sa sarili ko? parang napaka-ironic, kasi nga galit ako sa mga taong mapagmataas e wehehehe…. pero pwede ring tama, kasi nga "galit yung magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw" di ba? hmn.. di kaya napapansin nila kasi nga nasasapawan ko sila sa ganung ugali? wehehehe joke!
ayan, benefit of a doubt na yan… walang magsasabi na bias ako sa sarili ko ha *winks* pero sincere naman ako ng sinabi ko sa profile ko that am "in a seryus quest of humility" ha.. *ghee!
pero napapansin ko, kung may nagsasabi man ng ganito sa akin, sila yung mga taong nakilala ko lng lately, o yung mga taong di ako ganun ka kilala o nakasama ng matagal. Pwedeng ganun nga ako, o pwedeng nagbago lng ako… sabagay, may isang kakilala ko na dati na nagsabing nagbago nga ako… hahaha, mahirap to.. may nangyayari sa akin na tipong di ko napapansin.
Stubborn - me? oo… aminado ako dito… mahirap kasi mag-isip ng position sa buhay tapos biglang dadating ang sino-sino at utusan kang gumanito o gumanun, e kung wala kang sariling disposisyon sa buhay, pwedeng susunod-sunod ka na lng.. ok lng. Pero kung nagpawis ka na ng dugo (exagg) tapos sabihan ka ng bagay na tipong di pinag-isipan o malamang napag-isipan mo na, di ba kakaloko? wahehehe… kung pinaghirapan mong maabot yung prinsipyo mo sa buhay, aba’y maghirap din sila ng konti para masira yun ha hrhrhr…
meron ding mga mabilis mag react sa terms na ginagamit ko… hehehe… eto, tandaan niyo, words are just vehicles of thought. there’s no absolute meaning sa mga word. teka, napaparami ang english…hehehe.. tagalog lng dapat ang entry na to a.
pero balik tayo sa masamang ugali ko. hinihiwalay ko ang tao sa gawa. vocal and bold ako sa action, pero hindi ibig sabihin niyan na am judging the person na. limitado lng ang opinion ko sa nakikita ko. at hindi ako nag-aasume ng kabaitan para lng mabawi yung kalokohan. at sa mga terms na ginagamit ko, kung nagiging offensive man ang dating, iyun ay dahil sa nakasanayan mo ng pag-iisip in relation sa salitang iyon, at di dahil ganun din ang nasa isip ko nung sinulat ko yun.
pero teka, pwede ngang mayabang ako… hmnn, pero pwede ring indi e… maliban na lng kung ikaw yung taong nagpapanggap na magaling kahit hindi wehehehe… oo, ayaw ko ng ganun.. at kahit minsan nagagawa ko rin, pero iniiwasan ko naman talagang maging ganun. pramis!
siguro mayabang dating ko pag yung ipinipilit mong idea ay alam ko, o alam kong di mo alam *toink! hrhrhr…
pero pag di mo alam, tapos di mo ikinakahiyang di mo alam, at di ka nagpapanggap na ma-alam ka, click tayo… sasabay ako sa’yong matuto… hehehe…
hmnn.. indi ako mabait? pwede…
oo nga pala, walang word na objective. WAHAHAHAHA!