iced lemon tea

thoughts fueled by my fave past time drink at hawkers’

Archive for November, 2005


spellbounded

eto na… eto na ang inaayawan ko sa lahat.. inaayawan na inaasam-asam…

eto na… sa mundong masalimuot at puno ng aksiyon… mundong nakatago sa dulo ng kalawakan… mundong ginagalawan ng iilan na tulad kong biktima…

eto na naman siya ulet, parang droga na nagpapabaliw at naglilipad ng isip sa kawalan… walang iniisip na bukas o nakaraan…

parang mababaw na comedy show na basta na lng nagpapatawa sayo sa gitna ng seryosong mukha ng madla…

parang horror movie na tinatakot ka sa gitna ng tawa at di mo alam kung kailan ka sasaktan o paglalaruan..

akala ng marami formal-looking ka, seryoso, mukhang henyo,maangas, matibay, mahirap maka appreciate, in short - werdo!

yung iba naman tangengortz tingin sa ‘yo, ‘alang alam, bobo, novice,  mahina, madaling utuin, utusan - 

meron ding nag-aantay lang kung ano gagawin mo, saan ka napunta, pano ka sumagot o nalilito sa kung sino ka ba talaga..

pero eto na ngayon, may kokonting nakapuna sa’yo, kayang bilangin ng limang daliri mo ang nakakapansin sa’yo, may nagbago… nag-aasal lasing ka na… mukhang nawawalan ng katinuan… nag-aasal baliw na rin sa paiba-ibang klase ng tawa na ipinarinig mo… lumakas na rin ang loob mong magyabang… offensive ang dating mo tsong.. :D feeling confident pa… merong kung anong pwersang nagpapalakas sa’yo, nawawalan ka na ng pakialam sa mga tao sa paligid mo, nagsisimula ka ng mag-wala… iba na talaga… buhay na buhay ka… parang walang problema.. nakatingin sa kawalan na animo’y may sinusundang sayaw ng kaluluwa..

Ahhh… baliw? tangertz? werdo? all of the above? este, all of the sides? :D

pero sino nga ba nakakaalam…

siguro, ako lang…

siguro siya…

siguro kami lng…

o… akala ko lang?

Sunset