4th month in SG
parang kelan lng… eto na.. hindi ka na daw baguhan.. kaya wala ng
dahilan para magkamali-mali reports mo.. o di kaya, ndi comprehensive
analysis mo hehehe… sabagay, 3 months ka ba namang night shift na
tanging kasama mo sa work ay mabait at mayroong “inquisitive
mind”(super pala tanong) na auntie(yan tawag nila dito sa kung sa atin
ay tita).. minsan, sa hirap mag english dito parang gusto mong sumigaw
sa lab.. di mo alam kung gusto mo siyang sigawan o gusto mo lng talaga
isigaw yung hirap ng loob mo. kasi pag sinabi mong process as ‘prases’
magdamagan kayong magka what?-watan.. kasi ang tamang bigkas pala daw
ay ‘prowses’..hehehe sabi ng boss ko, british culture daw kasi sila
kaya yung grammar, british english, at ako naman daw american culture
yung previous work ko.. .eeiw…. really? o sadyang slow lng ako? kung
ang tagalog ay mahilig sa “e” sa dulo, sila mahilig sa “lah” o basta
may “h” hehehe.. tulad ng lagi kong naririnig, “Anjo, don’t leave me
lah!” *eherm* kaya pag di mo dinagdagan yan sa dulo, manalangin ka na
na sana, wag magtanong o kaya di narinig..hehehe…
Last week, i stumbled on the topic about clinical depression sa net,
and wow!! all symptoms are positive sa akin hehehe.. yung suicidal na
tuliro na ewan… buti na lng na counter ko hehehe..after doing 12-hr
night shift last thu mrng, dumiretso ako sa “revenge of the sith” at
9:30am.. dont worry guys, nasa tamang pag-iisip na ulit ako. one good
thing is, mababait din naman “ata” sila.. kasi tulad ngayon, dami kong
uwing chocolate at marsh mallow tsaka yung dalawang bote na intsik
nakasulat (sana masarap :D) na di ko alam.. so far, di muna ako
complain… observe muna hehehe…

yung parang pansit na ewan(P32.00), yun ang common breakfast nila.
sarap na sarap sila diyan lalo’t may chili sauce. minsan breakfast ako
sa mcdo, chili sauce lng available sa french fries, nagsisi tuloy ako
bakit nagpasanay ako sa catsup sa pinas hehehe…libre kape dito..
brewed pa… sabi ko baliktad ata… yung instant coffe pa ang mahal
dito… since yoko ma adik sa kape, ayan… malamig na gatas na lng
ako lagi (libre e :D)
then HDB flats naman yung common na tirahan dito.. parang tenement
style.. yun yung bldg across sa pic sa baba. then, yung pic sa gilid
ng bus stop (landscaped, may bulaklak), yun lng gawa ko hehehe…
hopefully makagala na rin me… sensiya na, ala akong pic kasi ala
akong taga kuha hehehe…
as i’ve said, no cash sa train at bus. lahat naca-card, automated…(sabagay pede mag cash kaso mas mahal) di dito
naiintindihan ang CR, toilet tawag nila.. yung elevator, lift..
(british nga) tapos na kwento ko na ba na dalawa yung toilet set nila?
yung isa yung common na toilet bowl sa atin.. yung isa naka squat ka
hehehe… may kasamang hose with free flowing water hahahha… but
then, yan prefer ko **GROSS** i-attach ko nga sana pic e hehehe…




